Hiwalay na sa BF nang 7 yrs… KARLA, KILIG NA KILIG KAY SAM


SA birthday episode ni Karla Estrada sa morning talk show nila nina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros na Magandang Buhay, inamin ni Queen Mother na hiwalay na sila ng kanyang karelasyon nang pitong taon.
Pero ayon kay Momshie Karla, hindi naman siya naghahanap ng bagong boyfriend kahit halatang-halata na kilig na kilig siya nang batiin ng crush pala niyang si Sam Milby.
Sabi ng mommy ni Daniel Padilla, “In God’s perfect time na lang! Sa ngayon, okey na ako. Ayoko nang hanapin, although ‘yan ang laging sinasabi ng friends ko, na dapat ganito at ganoon. Pero saka na. Darating ‘yun sa tamang panahon.”
Dagdag pa nito, “Kung magkaroon man ako, ‘yung mahal ko at mahal niya ako at mamahalin niya ang mga anak ko at buong pamilya ko.”
Well, why not? Byuti pa rin naman si Karla kaya hindi malayong makatagpo pa siya ng bagong papa.





Comments