ABANGERS, MGA BAGONG TEAM SA 26TH NCRAA OLIVAREZ: PASIG AT IMMACULADA

MAGSISIMULA ngayong araw ang 26th year ng National Capital Region Athletic Association (NCRAA) sa Olivarez College sa Parañaque City. Dalawang matinding laro ang paunang alay ng liga tampok ang pagharap ng dalawang baguhang paaralan na Pasig Catholic College at Immaculada Concepcion College sa 2:00 p.m. at defending champion Olivarez College kontra Saint Francis of Assisi sa 3:30 p.m.
Bago ang mga laro, magkakaroon ng payak na pambungad na palabas kung saan inaanyayahan si Coach Yeng Guiao ng Gilas Pilipinas at NLEX Road Warriors upang magtalumpati. Sasamahan si Guiao ng Pangulo ng 26th NCRAA na si Cesar Hagos ng Olivarez, Secretary General Buddy Encarnado at ng NCRAA Board. “Unlocking Our Full Potential” ang napiling tema sa taong ito.
Ang Olivarez at St. Francis ay kabilang sa mga may pinakamaraming korona ng basketball sa NCRAA. Samantala, parehong gustong mag-iwan ng magandang impresyon ang Pasig at Immaculada sa unang sabak sa liga.
Ang Centro Escolar University at Lyceum of the Philippines University-Laguna ay dalawa pang bagong tanggap na paaralan sa taong ito.
Ang iba pang mga magbabalik ay ang Asian Institute of Maritime Studies, De La Salle University-Dasmariñas, Emilio Aguinaldo College-Cavite, National College of Business and Arts, Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa, PATTS College of Aeronautics, Philippine Merchant Marine School, Philippine School of Business Administration-Quezon City, University of Luzon at De Ocampo Memorial College na pumangalawa sa Olivarez noong 25th NCRAA.





Comments