top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

UNANG SILYA SA FINAL DINAGIT NG BLUE EAGLES, FEU, TINAOB

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 26, 2018
2 min read

SINIGURO ng Ateneo de Manila University na hindi na makakahirit ng rubbermatch ang Far Eastern University nang pataubin nito ang huli, 80-61 upang selyuhan ang unang upuan sa finals ng UAAP Season 81 Men’s Basketball Tournament kahapon sa kanilang Final Four game sa Araneta Coliseum.

Halos ‘di napigil ng Tamaraws ang tandem nina Angelo Kouame at Thirdy Ravena mula sa umpisa na sinimulan ng Blue Eagles sa pamamagitan ng 8-0 run.

Mula roon ay naghabol na ng naghabol ang Tamaraws hanggang matapos ang laban.

Katunayan halftime pa lang ay may pinagsama nang 25 puntos sina Kouame (12) at Ravena (13) kung saan na outscore nila ang buong koponan ng Tamaraws na nagposte lamang ng 24 puntos kumpara sa kabuuang 38 puntos ng Blue Eagles. Tumapos si Ravena na may 22 puntos, 7 rebounds, 4 assists, 2 steals at isang block kasunod si Kouame na may 19-puntos at 10-rebounds para pangunahan ang Blue Eagles sa kanilang ikatlong sunod na taong pagtungtong ng Finals.

Hihintayin na lamang nila kung sino ang magwawagi sa rubbermatch ng Adamson at University of the Philippines sa Miyerkules upang alamin kung sino ang kanilang makakatapat.

Nauna rito, nagposte ng monster numbers na 28 puntos, 20 rebounds at 3 blocks si Season MVP Grace Irebu upang pamunuan ang University of Santo Tomas sa paggapi sa Adamson University, 78-69 sa simula ng women’s stepladder semifinals.

Nagawang burahin ng Lady Falcons ang 46-25 na bentahe ng Tigresses sa second half, ngunit nagpamalas ng poise ang huli sa final stretch para ma-eliminate ang una.

Susunod na haharapin ng fourth-ranked UST ang No. 2 seed na FEU y para sa nalalabing Finals berth sa Miyerkules sa Big Dome.

Ang magwawagi sa naturang laban ang hahamon sa outright finalist at 5-peat seeking NU sa best-of-three championship sa susunod na linggo. “Grace proved so many times, especially sa mga knockout games, that she’s the MVP of Season 81. Hopefully, she will get better every year,” pahayag ni UST mentor Haydee Ong sa kanilang Congolese center. Nag-ambag ang graduating na si Sai Larosa ng 17 puntos, 8 rebounds, 3 assists at 2 steals para sa Tigresses na naipanalo ang ka­nilang ikatlong sunod na do-or-die match.

Pinangunahan naman ni Nathalie Prado ang tumapos na 4th place Lady Falcons sa itinala ni­tong game high 34 puntos at 10 boards. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page