top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

PCSO PRESIDENTIAL GOLD CUP

  • Green Lantern
  • Nov 26, 2018
  • 1 min read

RENDA at LATIGO

MATUTUNGHAYAN sa darating na Disyembre 9 ang pakarera ng taon ang PCSO Presidential Gold Cup sa Manila Jockey Club.Inc (MJCI) sa Carmona Cavite.

Ito ang pinakahihintay na pakarera kung saan ang 46th PCSO Presidential Gold Cup ay inaasahan na magiging mahigpit ang labanan.

Paglalabanan ng siyam na kalahok na pangu­ngu­nahan ng Manalig Ka, Electric Truth, Highway One, Dixie Gold, Radio Active, Sepfourteen, Salt and Papper at Pangalusian Island.

Tatawirin ng mga kalahok ang distansiyang 2,000 meters at may papremyong P5,000,000 na ibabahagi sa apat na unang makakatawid sa finish line.

Tatanggap ng P3,000,000. ang tatanghaling kampeon bukod pa sa P1 milyon na tatanggapin mula sa Philracom at trophy. Pagkakalooban ng P1-milyon ang pangalawa at P500,000 para sa 3rdplacer at P300,000 sa 4th placer. Tatanggap din ng P200,000 ang breeder sa mananalong kabayo.

Matatandaan na pinagwagian ni Dewey Boulevard ang 2017 PCSO Presidential Gold Cup laban sa puma­ngalawang si Bite My Dust pumangatlo si Messi at Sep­fourteen ay naorasan ng 2:05 .

Samantala, matutunghayan din ang 2018 “Chair­man’s Cup” na may P2.milyon na papremyo sa Dis­yembre 16 sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Ang nasabing pakarera ay laan sa 3-year old na locally born na tatanggap ng halagang P1.2 milyon bilang unang premyo at trophy.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page