top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Para sa diamond ring… REGINE, GAME NA GAME IPAGPALIT SI OGIE

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 26, 2018
1 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

BONGGA at napaka-memorable ang ibinigay na regalo ni Megastar Sharon Cuneta kay Regine Velasquez sa ginanap na concert ni Asia’s Songbird titled Regine at the Movies nitong Sabado nang gabi (November 24) sa New Frontier Theater sa Quezon City.

Isa sa mga bigating guests sa nasabing concert ay si Megastar, at habang kinakanta nila ang sikat na awitin nito na Bituing Walang Ningning, biglang tinanggal ni Sharon ang diyamanteng singsing na naka­suot sa kanyang daliri at inabot kay Asia’s Songbird bilang regalo.

Nabigla si Regine sa ginawa ni Sharon at nagbiro ng, “Puwede bang isanla ito?”

Inamin ni Sharon na isang de­kada nang nasa kanya ang singsing at ito rin ang pinakamahal na rega­long naibigay niya sa isang tao, kaya medyo nahirapan at emosyo­nal siyang i-let go ang singsing kay Asia’s Songbird.

“I’ll miss you. I love you so much!” pagbibiro nito.

Ipinaliwanag ni Megastar na kung minsan daw ay nakaka­ramdam na lang siya na feeling niya, gusto na lang niyang magbi­gay at magregalo.

Pabiro ring bumanat si Sharon kay Regine kung maaari rin ba siyang humingi ng “remembrance” sa singer.

Agad namang sinagot ito ni Regine at sinabing, “Meron, meron akong ibibigay! Ibibigay ko na sa ‘yo ‘yung asawa ko kapalit nito [ng ring]!”

Ang singsing na ito ay magsisilbing remembrance sa unang pagsasama nina Megastar at Asia’s Songbird. Kasunod nito, inanunsiyo nila na may mga projects silang pagsasamahan sa darating na 2019.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page