Kagawad nasakote sa boga
- Pabs Hernandez III
- Nov 26, 2018
- 1 min read
ILOCOS SUR—Isang kagawad ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng baril, kamakalawa sa Bgy. Langaoan, Sta. Maria sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Kagawad Lito Dasalla, residente ng nasabing barangay.
Nabatid na sinalakay ng pulisya ang bahay ni Dasalla sa bisa ng search warrant at dito nakumpiska ang isang Norinco M-16 rifle at mga bala.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of firearm and ammunitions.





Comments