top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Ipis na lumilipad at ilog na may mataas na tubig

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 26, 2018
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Cecille ng Cecille_Pangilinan@face-book.com

Dear Professor,

May tanong ako tungkol sa pana­ginip ko, marami raw ipis sa bahay at kapag pinapatay ko ang mga ito ay nagliliparan at dumarapo sa akin, tapos nanaginip din ako na may ilog. Nu’ng una, mababaw lang ‘yung tubig pero bigla itong dumumi hanggang sa tumaas na para akong malulunod.

May nakita akong tatlong tao, dalawang lalaki at isang babae. Nang makita ko ‘yung mga lalaki, humingi raw ako ng tulong, pero ayaw nila akong tulungan hanggang sa nakakapit ako sa gilid at sa talbos ng kamote ako humawak.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Cecille

Sa iyo Cecille,

Nagbababala ang iyong panaginip na magkakaroon ka ng karamdaman na may kaugnayan sa pamamaga o pagiging manas.

Kaya dapat mong panatilihing malinis ang kapaligiran at ang iyong katawan. Makabubuti rin kung kakain ka ng sariwang prutas, pero hugasan mo muna ito bago mo kainin para bumuti ang iyong kalusugan.

Siyempre, maganda rin ang pagkain ng gulay, pero mas okay kung lulutuin mo muna ito at hindi kakainin ng hilaw.

Iwasan mo rin ang pagkain ng mga karne, luto man o hindi. Kahit ang isda bago kainin ay dapat linising mabuti, kung puwede lang umiwas ka rin sa mga pagkain na nabubuhay sa tubig na walang kaliskis tulad ng hipon, alimasag, talangka, alimango, talaba, tahong at ma­rami pang iba.

Huwag na huwag ka munang kakain ng mga ito.

Ang lahat ng pagkaing nabanggit na bawal sa iyo ay totoong ipinagbabawal sa Banal na Kasulatan, pero ang tao ay may kani-kanyang relihiyon, kaya ang iba ay kumakain pa rin ng mga ito dahil nasa isip nila na “ang anumang pumapasok sa bibig ay hindi masamang kainin.”

Pero, ayon sa mga doktor lalo na ngayong halos araw-araw ay mababasa sa social media na ang mga ito ay hindi dapat kainin dahil makasasama ito sa ating kalusugan dahil sanhi ito ng iba’t ibang klase ng sakit na kapag napabayaan ay maaari pa nating ikamatay.

Samantala, ang masayang balita para sa iyo ay nagsasabing ang karamdaman na ibinabala ng panaginip mo ay gumagaling din naman, kaya lang siyempre, mas maganda na hindi ka magkasakit.

Kaya palagi mong tatandaan ang kasabihang ito, “ forwarn is forearm”!

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page