top of page
Pokwang.jpg

'Di kinagat ang pag-iingay sa kaso sa nanloko raw sa kanya. KRIS, TODO-SAWSAW KAY SHARON AT SA U

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 26, 2018
1 min read

HAY, naku! Tiyak na maba-bash na naman si Kris Aquino dahil sa kanyang nai-post tungkol sa kuya ni Sharon Cuneta na si Chet Cuneta na kumakandidatong mayor ng Pasay.

Naging crush daw siya dati ng brother ni Megastar. Eh, posible bang ikampanya niya si Chet Cuneta, identified siya sa grupong dilawan? Kontra-partido, at tiyak, masusubok ang loyalty ni Kristeta sa mga katropa ng kanyang Kuya Noynoy!

Pero, bongga nga kung sakaling joint forces sila ni Mega­star Sharon sa pangangampanya para kay Chet Cuneta. Malaking tulong ito para sa BFF niyang si Shawie.

Kaya lang, ngayon pa lang, may mga nagsasabi nang nakahanap na naman daw ng sasawsawang issue si Kris para mapag-usapan. ‘Di raw kasi masyadong kinagat ang pag-iingay niya kaugnay ng isinampa niyang kaso laban sa diumano’y nanloko sa kanyang dati niyang business partner at sa kapatid nitong lawyer, kaya si Mega at ang utol nito naman daw ang ginagamit niya ngayon.

May ganern!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page