top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

DAVAO COCOLIFE BINOMBA ANG ZAMBOS SA MPBL

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 26, 2018
1 min read

BINOMBA ng Davao Occidental Cocolife Tigers ang Zamboanga Valientes, 93-68 upang manatiling nasa ituktok ng liderato sa south division ng Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup kamakailan sa Valenzuela Astro­dome,Valenzuela City. Ang Tigers na koponan ni Claudine Bautista ng Davao Occidental LGU at ayudante nina Cocolife president Elmo Nobleza, FVP Joseph Ronquillo at AVP Rowena Asnamn ay kinontrol agad ang laban sa unang yugto pa lamang sa madulas na opensa ng mga beterano at hustle points mula sa homegrowns kaakibat ang malagkit na depensa sa kabilang dulo at naitala ang 44-24 na bentahe sa unang hati ng bakbakan ng dalawang koponan mula Mindanao.

Tumikada ng double-double si veteran Tiger Mark Yee, 25 points-13 rebounds upang tulungang dalhin ang team sa ika-9 na sunod na panalo matapos ang back-to-back wins sa season opening pero nasundan ng tatlong sunod na talo na naging wake-up call na Davao Cocolife Tigers (11-3).

Nagtangkang maghabol ng Valientes sa pagsisikap nina Leo Avemido at Reed Juntilla pero pinigil sila ng pambali ng gulugod na tres ni homegrown Joseph Terso at timely buckets nina ex-pro Leo Najorda at jouneyman Bonbon Custodio upang ibaon pa ang tropang Zamboanga, 6-8 sa liga. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page