top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

TV host, dilawan, BFF, maka-Digong naman… KRIS, TODO-SUPORTA KUNO, 'DI NAMAN MAIKAMPANYA ANG UT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 25, 2018
  • 2 min read

MAY rebelasyon si Kris Aquino sa comment niya sa isang Instagram post ni Megastar Sharon Cuneta kung saan nabatikos ang singer-actress dahil sa inilabas niyang picture ng kapatid na si Chet Cuneta na itinataas ni Pres. Rodrigo Duterte ang kamay bilang simbolo ng pag-eendorso rito sa 2019 elections dahil tatakbong mayor ng Pasay ang kuya ni Sharon.

Mababasa sa comment ni Kris ang suporta niya sa kanyang bagong BFF na si Mega na bina-bash ng ilang netizens dahil sa pagpapaendorso umano nito kay Pang. Digong manalo lang ang kanyang kapatid samantalang alam naman daw ng lahat na pangulo ng Liberal Party ang kanyang mister na si Sen. Kiko Pangilinan.

Ang nakakagulat, sa isang bahagi ng comment ni Kris, sinabi nitong muntik na siyang maging hipag ni Sharon dahil crush daw siya ng Kuya Chet nito.

Sey ni Kris, “Ate S, i hope i am remembering the circumstances correctly- we taped an episode in your Westgrove home in the early 2000s and you mentioned to me your kuya had a crush on me and I had said-sayang it would have been a dream come true to be your sister-in-law.”

Naku, ha? Ano nga kaya ang senaryo kung naging mag-hipag sila?

Anyway, sabi pa ni Kris sa comment niya, kilala raw niya si Sharon at alam niyang kaya nitong mag-ikut-ikot sa mga bahay-bahay masuportahan lang ang nag-iisang kapatid.

Pero ang hindi nabanggit ni Kris ay kung willing ba siyang ibigay din ang kanyang serbisyo para maikampanya ang kuya ng kanyang BFF Mega.

Eh, natural, ang awkward na­man nu’n, ‘di ba? Kila­lang dila­wan si Kris Aquino, tapos ieen­dorso ang kandi­dato ng kalabang partido?

Pero sana nga, ‘di naman maapektuhan ang friendship nila ng pulitika, dahil feeling naman namin, pareho silang marunong sumayaw sa tugtog.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page