Tulak ng damo timbog
Pabs Hernandez III
Nov 25, 2018
1 min read
ILOILO—Isang pusher ng marijuana ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa bayan ng Arevalo sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Jaffie Dieta, residente ng nabanggit na bayan.
Nabatid na tatlong sachets ng marijuana at markadong pera ang nakumpiska ng pulisya sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Dieta at sinampahan na siya ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments