top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Sasakyan sumalpok sa labas ng iskul, 5 patay

Jersey Sanchez
Nov 25, 2018
1 min read

BUMANGGA ang isang sasakyan sa labas ng eskuwelahan na dahilan ng pagkasagasa sa grupo ng mga estudyante sa northeastern China.

Lima ang patay at labingwalo ang sugatan sa nasabing insidente.

Nangyari umano ang insidente sa coastal city ng Huludao sa lalawigan ng Liaoning.

Kasalukuyan nang hawak ng pulisya ang drayber para imbestigahan ito.

Nang tingnan ng awtoridad ang CCTV footage sa tapat ng paaralan, patawid umano ang mga biktima nang magpagewang-gewang ang sasakyan na nakasagasa sa mga ito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page