top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Malinaw ayon sa palad...BEBOT NA NAKATAKDANG MAKAPANGIBANG-BANSA KUNG HINDI MAGKAKAROON NG NEGATIBON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 25, 2018
  • 2 min read

KATANUNGAN

1. Itatanong ko lang kung nasa guhit ba ng aking mga palad na ma­kapag-a-abroad ako? Pa­ngatlong subok ko nang mag-apply, pero hanggang ngayon kahit umabot na ako sa edad na 33 ay hindi pa rin ako nakaaalis. Bakit kaya ganu’n, samanta­lang, D.H. lang naman ang ina-apply-an ko?

2. May pag-asa pa ba akong makapag-abroad o dapat ko nang tanggapin na ang aking kapalaran ay mangyayari lang dito sa Pilipinas?

3. Sa ngayon ay nagtatrabaho ako bi­lang factory wor­ker, pero si­yem­pre, na­nga­ngarap din akong ma­paunlad pa lalo ang pamumuhay ng aking pamilya, kaya gusto kong makapag-abroad.

4. Ano sa palagay ninyo, Maestro, matu­tu­loy at may pag-asa kaya akong makapag-ab­road?

KASAGUTAN

1. Ganyan talaga ang kapalaran ng mga taong otso tulad mo, Isabel, hindi easy- to-get ang tagumpay para sa kanila.

2. Kaya asahan mo na bago ka makapangibang-bansa, maraming pagsubok ang magaganap sa iyong buhay, pero pagkatapos ng mga negatibong pangyaya­ring nabanggit, basta mana­tili ka lang na kumakapit, lumalaban at kinukulit ang kapalaran, ang malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad ang tu­mitiyak na sa bandang huli, makapag-a-abroad ka rin na madali namang kinumpirma ng lagda mong medyo uma­alun-alon at bahagya pa ngang lumipad paangat ang pinakapaa ng dulong letrang “a”.

3. Ibig sabihin, ngayon pa lang ay nasasagap na ng unconscious mong isipan ang nakatakdang magaganap kung saan basta hindi ka tumitigil na sumubok nang sumubok, sa susunod na pag­­pihit ng mga buwan at pag-usad ng panahon, may produktibo at masaga­nang paglalakbay ang itatala sa iyong kapalaran.

MGA DAPAT GAWIN

1. Pero, hindi porke may malinaw na Travel Line (Dra­wing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad ay makapag-a-abroad ka na agad-agad, sa halip, ibina­base rin ito sa bitbit na nu­mero at siyempre, sa will po­wer o matinding kagustuhan ng tao na makapangibang-bansa.

2. Tulad ng mga taong otso, silang may bitbit na numerong 8, 17 at 26, kahit may Travel Line (arrow a.), medyo mahihirapan pa rin silang makamit ang magan­dang kapalaran dahil kaakibat ng kanilang numero ang sinasabi nating “hard road to glory” o sa ibang salita, “paghihirapan mo muna ang iyong pangarap bago mo ito mapitas at pagpapawisan mo muna ang lahat bago ka tuluyang lumigaya at umun­lad”.

3. Habang, ayon sa iyong mga datos, Isabel, kaunting tiis pa, basta huwag kang susuko at titigil. Habang kinukulit mo ang kapalaran, makikita mo sa susunod na taong 2019, sa buwan ng Mayo sa edad mong 34 pataas, may maaliwalas at masaganang pangingibang-bansang itatala sa iyong bu­hay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page