Laptop, camera, etc. nawala, dating empleyado raw ang suspek… BAHAY NI JIMMY BONDOC, PINASOK NG MAGN
- BULGAR

- Nov 25, 2018
- 1 min read

HINDI nakaligtas sa panloloob sa kanyang bahay ang singer at Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) official na si Jimmy Bondoc na naninirahan sa Barangay Pinagbuhatan, Quezon City.
Nitong Nov. 20 nang madaling-araw, nilooban ng mga magnanakaw ang kanyang bahay.
Kinumpirma ito ng Quezon City Police District sa Inquirer.net at sinabing nanakaw ang ilan sa mga kagamitan ng singer katulad ng laptop at camera ng kanyang ama.
Kinilala ang isa sa mga nagnakaw at dati raw itong empleyado ng singer.
Humingi naman ng tulong si Jimmy sa Facebook upang makilala pa ang ilang lalaking nahagip sa closed circuit television (CCTV) cameras.
“Sorry po, aabalahin ko kayo. Nanakawan po kami. Sa mga kalapit-bahay namin, baka matulungan niyo kami ma-identify ang taong ito,” aniya.
“Please help us identify the person… Ang dami pong nawala sa amin,” dagdag pa niya.





Comments