CURRY LIGTAS SA AKSIDENTE, FEU AT ATENEO SA SEMIS NA


LIGTAS naman ang NBA superstar na si Stephen Curry matapos na ito ay masangkot sa aksidente. Sakay siya ng kanyang Porsche sa kahabaan ng Highway 24 sa Oakland nang ito ay banggain ng isang kotse sa likuran.
Samantala, tatangkain ng reigning titlist Ateneo na ganap na umusad sa kampeonato upang patuloy na buhayin ang kanilang title retention bid sa pagsagupa nila sa no.4 seed Far Eastern University sa pagpapatuloy ng Final 4 ngayong hapon. May bentaheng twice-to-beat, isang panalo lang ang kailangan ng Blue Eagles para makapasok ng finals kumpara sa Tamaraws na kailangan silang talunin ng dalawang beses.
Inaasahang sa depensa magkakatalo ang dalawang koponan na na-split ang head-to-head nila noong elimination round.
Umaasa ang FEU na babawi ngayon si big man Prince Orizu na siyang ipantatapat sa Rookie of the Year na si Blue Eagles Ivorian tower Angelo Kouame, matapos na hindi nakalaro ng maayos sa nakaraang knockout game nila ng La Salle dahil sa maagang pagkalagay sa foul trouble.
Bukod kay Orizu, sasandig din ang Tamaraws sa hero ng kanilang nakaraang tagumpay na si Arvin Tolentino kasama ng iba pang mga beterano nilang manlalaro na sina Wendell Comboy, Ken Tuffin, Richard Escoto at Achie Iñigo gayundin ang isa pang bayani sa nakaraang laban nila sa DLSU na si Barkley Eboña. (VA)





Comments