Bebot na ayaw ng magtrabaho sa kumpanya ng kanyang bf

Dear Roma,
Ako si Cha, 26 years old. Nagtatrabaho ako sa kumpanya ng pamilya ng boyfriend ko for almost 1 year na. Noong una, okay naman ang pakikitungo ng mga kamag-anak niya sa akin, pero habang tumatagal ay napapansin kong madalas na akong pagtaasan ng boses at pagsungitan ng mga tita niya kahit wala naman akong ginagawang mali. Sa totoo lang, sumasama ang loob ko at wala akong ibang mapagsabihan ng nararamdaman ko bukod sa boyfriend ko. Hindi ko naman maikuwento sa mama niya kahit close kami dahil baka kung ano pa ang isipin niya tungkol sa akin. Roma, sa tingin ninyo, mas mabuti kaya kung mag-resign na lang ako para makaiwas sa malaking gulo? Salamat! — Cha
Cha,
Ang maipapayo namin sa’yo ay pag-isipan mong mabuti ang iyong pagre-resign. Kapag buo na ang iyong desisyon at may kumpanya ka nang malilipatan, saka mo na ituloy ang plano mo. Mabuti ring ipaliwanag mo sa mama ng iyong boyfriend ang dahilan ng pag-alis mo sa kanilang kumpanya upang maiwasan ninyo ang hindi pagkakaunawaan. Good luck sa’yo, Cha! God bless!





Comments