Armado tepok sa checkpoint
NUEVA ECIJA—Isang hindi kilalang armadong lalaki ang napatay nang makipagbarilan sa mga pulis na nagmamando ng checkpoint sa Bgy. District 6, Cuyapo sa lalawigang ito.
Sa kasalukuyan ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng napatay na suspek.
Nabatid na habang nagmamando ng police checkpoint ang mga awtoridad ay biglang pinagbabaril ng suspek na nakasakay sa motorsiklo ang pulisya.
Dahil dito, agad gumanti ng putok ang mga awtoridad na naging dahilan kaya napatay ang suspek.





Comments