top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

2019 National Budget kahit nakabitin, umento sa gobyerno, tuloy!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 25, 2018
1 min read

KASABAY ng pagkakabitin ng 2019 National Budget sa Kongreso, siniguro na tuloy ang dag­dag-suweldo sa mga nagtatrabaho sa gob­yerno.

Hindi umano nito maaapektuhan ang naka-schedule na umento sa suweldo ng mga government person­nel, civilian at mga miyembro ng militar.

Inaasahang ipatutupad ang salary increase sa unang suweldo ng 2019 na ilalabas sa Enero 15.

Kaya sa mga nagpapakalat umano ng fake news na na­kadepen­de sa National Budget ang susunod na pay hike ng mga kawani ng pamahalaan, tigilan na at huwag ding pani­walaan.

Magkaiba umano ang batas sa dagdag-sahod ng mga sibil­yan at military government employee kaya puwede itong ipatupad magkaroon man ng delay sa pag-apruba ng General Appro­priations Act.

Matatandaang, nasa P121.7 bilyon ang inilaan sa panuka­lang 2019 National Budget para sa salary increase ng mga sibilyan at military personnel ng national govern­ment.

Kaya sa mga kawani ng gobyerno, ‘ika nga, don’t worry.

Tuloy ang dagdag-sahod, tuloy ang adjustment sa ating budget para makasabay sa takbo ng gastusin sa pang-araw-araw.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page