Sey ng experts... PAGBIBIGAYAN NG REGALO, GOOD SA HEALTH!


WHAT’S up, mga lodi? Ready na ba kayo na mamili ng mga panregalo ngayong Pasko? Kung oo, good ‘yan dahil knows ba ninyong ang pagbibigay ng regalo ay may magandang epekto sa ating buhay? Hmmm...
Ayon sa mga eksperto, ang gift giving ay hindi lang basta obligasyon tuwing may okasyon, bagkus, ito ay ginagawa nang bukal sa puso.
Bukod pa rito, ang saya na nararamdaman ng iba sa tuwing sila ang nakatatanggap ng regalo ay magre-reflect sa kanilang pananaw sa buhay.
Gayunman, base sa pag-aaral ng Corporation for National and Community Service (CNCS) mula sa U.S., nakapagpapahaba raw ng buhay ang pagbibigayan.
Gayundin, ito ay nakapo-protekta sa pagkakaroon ng sakit sa puso at high blood pressure.
Halimbawa pa rito, kung may nagtatampo sa inyo, bigyan n‘yo lang ng regalo, siguradong magkakabati na kayo, ganu’n kahalaga ang pagbibigayan sa buhay nating lahat.
Hindi lang sa panlabas maganda ang pagbibigayan kundi maging sa ating kalusugan.
Samantala, hindi importante kung mahal o mura ang ibibigay mong regalo, ang mahalaga, eh, sa araw ng Pasko naramdaman ng pagbibigyan ninyo na mahalaga siya para sa inyo.
‘Ika nga sa kasabihan, “the manner of giving is worth more than the gift”.
Kaya naman para maging masaya ang inyong loved ones, bigyan n’yo sila ng regalo, ha?
May panahon pa kayo para mag-ipon kaya, go, go, go, mga lodi!
Okie?





Comments