Most wanted criminal tiklo
Pabs Hernandez III
Nov 23, 2018
1 min read
PANGASINAN—Isang most wanted criminal ang nadakip ng pulisya, kamakalawa sa Urdaneta City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si Arnel Natarte, nakatira sa Bgy. Nalsian, Manaoag sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya si Natarte sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder.
Hindi nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa nasabing lugar.





Comments