top of page

Lalo na kung matagal na ang inyong relationship, lodi! TIPS KUNG PAANO MAPANANATILING EXCITING ANG R

  • No Problem
  • Nov 23, 2018
  • 1 min read

UNTI-UNTI na bang nawawalan ng sigla ang inyong relasyon o baka na­uubusan lang kayo ng mga bagay na gagawin kaya nabo-bored na kayo? Heto ang ilang tips upang maiwasang ma-bored sa isang re­lasyon:

1. MAKE AN AD­VENTURE LIST. Sigu­radong may mga gusto kayong gawin na hindi pa ninyo nagagawa. Mag­­lista ng mga bagay na gusto ninyong gawin nang mag­kasama tulad ng pag-ak­yat sa bundok, pagta-travel o mag-date kayo sa ma­gandang restoran.

2. PLAN. Planuhing mabuti ang bagay na na­pili ninyong gawin. Maha­la­gang hakbang ito upang magawa ninyo nang wasto ang inyong relationship goals.

3. CREATE PRE­CIOUS MOMENTS TOGETHER. ‘Ika nga nila, “you only live once” kaya naman huwag mag-alinlangang gumawa ng mga alaala na maaari nin­yong ba­likan pagkata­pos ng ma­habang panahon.

4. TALK ABOUT YOUR INNER AND OUTER WORLD. Ang relasyon ay tungkol sa pagbabahagi. Mahalaga rin na pag-usapan ninyo ng iyong partner ang ma­liliit na bagay tulad ng mga nangyari sa araw mo, mga pangarap mo at maging ang kinatatakutan mo.

Huwag matakot mag­bahagi ng kahit na anong kuwento sa iyong partner dahil siguradong makiki­nig siya sa’yo at maiintin­dihan ka niya.

5. TREASURE EVERY MOMENT WITH YOUR PART­NER. Lahat ng nangyari at mangyayari sa inyong relasyon ay dapat ninyong i-treasure, maganda man ito o hindi.

Kaya sa mga bro at sis natin diyan na bored o nag­hahanap ng bagong ga­gawin kasama ang inyong partner, gawin ang mga tip na ito upang maibalik ang sigla ng inyong re­las­yon. Stay happy! Okie?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page