top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kahit sa hangin ay nagpapahayag na sila ng kanilang mga daing... MGA TAONG MAY SALA SA PAGPAPAKALAT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 23, 2018
  • 3 min read

BULGAR DAING MULA SA HUKAY... HUSTISYA

PAO CHIEF PERSIDA ACOSTA / DAING MULA SA HUKAY HUSTISYA

SINO ang hu­wad? Sino ang may ­sala? One hundred two (102) na ang na­tapos sa gross fo­rensic autopsies ng Public Attorney’s Office. Sina Kyla Nicole S. Macasa­quit (#101, 3 doses)at Levon Zirine C. Santos (#102, 1 dose, 11/30/2017). Ang pamilya ng dala­wampu’t siyam (29) na biktima ng Deng­vaxia ay nakapag­sampa na ng kasong kriminal sa De­partment of Justice (DOJ) at labimpito (17) naman ay ka­song civil sa Regio­nal Trial Court ng Quezon City.

Hindi pinayagan sa unang batch ng DOJ pa­nel of prosecutors na ipinrisinta sa DOJ si Dr. Raymund Lo, ang testigo ni Dra. Janette Garin.

Ayon sa DOJ, sa korte siya da­pat ipinrisinta da­hil ang hukuman ang hu­husga kung sino ang tu­nay na eksperto at huli na nang isinumite ang affi­davit niya.

Sa pagdinig sa Maba­bang Kapulungan noong Miyerkules, Nobyembre 21, 2018, natuklasan ng lahat na si Dr. Lo pala ay isa sa mga kasama sa Phi­lippine Children’s Me­dical Center (PCMC) pur­chase request ng Deng­vaxia at may nag “for” sa kanya na doktora. Kaya pala bumabanat siya sa foren­sic findings ng Pub­lic Attorney’s Of­fice Fo­rensic Team (PAO­FT), ka­hit si Dr. Lo ay hin­di nag-autopsy sa one hun­dred two (102) na bang­kay na natapos ng PAOFT na gross au­topsy. Ang base­han lamang ng opinyon ni Dr. Lo ay do­kumento mula sa ospital.

Hindi puwedeng ma­linlang ang sambayanan! Kailanman ay hindi nag­pakilalang “pathologist” si Dr. Erwin P. Erfe.

Hindi niya ikinabit na parang medalya sa kan­yang dibdib ang pagiging pathologist kahit minsan, kaya nakapagtataka na sinasabi ng ilan sa nasa­sakdal na “fake patho­logist” siya. Si Dr. Erfe ay isang “forensic medico-legal doctor” na halos li­bu-libo na ang na-autopsy.

Ang basehan ng PAO Forensic Team ay clinical records, history from rela­tives, cadavers, histopa­thological examination ng tissues at blood samples. Kumpleto ang batayan nila ng ebidensiya, kaya ang kabuuang ito ay mati­bay na sandigan ng kato­to­hanan. Kumpara, sa ka­piraso o hindi hustong sa­ligan, higit na mas maka­pani­nindigan ang base­han ng PAO Forensic Team kahit saanmang hu­kuman dal­hin ang laban.

Ang PAO Forensic Team ay may labindala­wang (12) doktor na tumu­tulong — clinicians, den­gue specialist, epidimeo­lo­gist, infectious disease experts, internist, cardio­logist, medico-legal doc­tors at eksperto sa gamot, bukod pa sa dalawang (2) senior pathologists ng Ospital ng Maynila at UERM Hospital.

Kaya kahit ano pang panlilinlang ng mga may masamang adhikain ay hindi maaaring mailigaw ang mga biktima sa pag­ha­hanap ng hustisya sa­pagkat marami pa rin sa Department of Health (DOH) ang bukas ang isip na may Sanofi identified (four fatal side-effects at risks) sa kanilang sub­mission sa FDA-DOH, noong ika-22 ng Disyem­bre, 2015 o pitong (7) araw bago ang ika-29 ng Dis­yembre, 2015 nang mag­ka-SARO ng DBM ang pagbili ng Dengvaxia sa pondong hindi galing sa 2015 General Appropria­tion Act kundi sa Miscel­laneous and Personnel Benefit Fund (MFBF).

Kahit anong paninira sa PAO at Forensic Team ay buo ang tiwala ng mga magulang ng mga biktima sa kredibilidad at malinis na pusong pagtu­long para sa hustisya ng mga namatay at umak­siyon upang sagipin ang mga may side-effect na.

Lalong tumitingkad ang ebidensiya habang araw-araw ay may nasu­su­god sa ospital na nasa­sagip at nakalulungkot na may namamatay na bina­kunahan na may pare-pa­rehong sintomas at na­ki­kita sa mga bangkay ang pamamaga, paglaki at pag­durugo ng utak at la­man-loob.

Sa bawat sandali, may patotoo ang mga ina at ama ng mga bata na ka­sama nila ang mga kalu­luwa ng kanilang mga anak na biktima kahit sa panaginip at guni-guni na may haplos ng hanging walang pinagmumulan sa kawalan.

Wala mang pinagmu­mulan ay may kakaya­han namang maglakbay at tu­ma­gos sa pandama para ipa­hayag na sila ay patu­loy na lumalaban at nag­mamahal.Tila simbolo ang hanging ito ng pangako ng bukas kung kailan ma­kakamit ang kata­rungan.

Makahihinga rin nang maluwag ang mga pa­milya ng mga biktima ng mapaminsalang ba­kuna at maging ang buhay pang mga biktima na bu­ong giting na kuma­kapit sa bawat hibla ng pag-asa.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page