HOROSCOPE | NOBYEMBRE 23, 2018 (Biyernes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG NOBYEMBRE 23, 2018 (Biyernes): Mabilis ka sa lahat ng bagay. Sa biglang tingin, ito ay isang kahinaan, pero ito ang magbibigay sa iyo ng masuwerteng kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magdahan-dahan ka dahil sa pagiging marahan, makikita mo ang lahat ng anggulo sa bawat hamon ng kapalaran na iyong mararanasan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-11-14-23-39-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakagugulat ang mga kaganapan dahil biglang magbabago ang iyong isipan na maaaring hindi agad matanggap ng kinauukulan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-20-24-28-34-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Ngayon ay araw mo, ang sinumang sumalungat sa kagustuhan mo ay masasaktan ang kalooban. Pero, ang mga sasang-ayon sa iyo ay magiging maligaya, habambuhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-18-25-39-42.
CANCER (June 21- July 22) - Susunod ka sa kagustuhan ng ibang tao, pero ang hindi nila alam ay iba ang nasa loob mo kaya sa huli, ang sundin mo ay kung ano ang pinaniniwalaan mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-27-30-35-41-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kumilos ka na parang nakuha mo na ang gusto mo. Huwag kang kikilos na para kang bigo dahil magkakatotoo ito. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-18-22-27-34-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakatutuwa ang kapalaran mo dahil muli mong matatanggap ang ayaw mong mapasaiyo, pero magugulat ka dahil ang mga ito ay magsisilbing mga buwenas mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-15-18-21-23-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mabibilis ang mga kaganapan. Parang kisapmata, iba na ang iyong yakap-yakap at ito ang suwerteng hindi mo aakalaing mapasasaiyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-17-25-28-30-31.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sunud-sunod ang pagdapo ng mga suwerte sa iyo. Mamamangha ang mga walang tiwala sa iyo. Hindi nila sukat-akalain na mas gaganda ang kapalaran mo kaysa sa kanila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-29-30-38-40-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maiiwanan mo nang milya-milya ang mga nagsasabing ikaw ang kanilang karibal. Mapapahiya sila dahil mapupunta sa iyo ang huling halakhak. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-16-24-26-45-46.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung sino ang nagpapasaya sa iyo, siya ang pahalagahan mo, kapag ginawa mo ito malalaking suwerte ang magsisidapo sa buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-29-30-31-36-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Napakahirap mong itali, pero mas mahirap kang hawakan. Ang sinumang magtatangkang solohin ka ay mabibigo lang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-11-14-23-38-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magsabi ka ngayon ng iyong pinakamalaking kahilingan sa langit. Huwag kang mag-alala kahit may pagkaimposible o mahirap itong mangyari, ang nasa itaas ay gagawa pa rin ng paraan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-18-20-21-26-32.




Comments