GULO SA GILAS-JORDAN TUNEUP ULO NI GUIAO, NAPUNDI KAY JOEY

TINALO ng Gilas Pilipinas ang Jordan, 82-73, sa isang tune-up game noong Miyerkules ng gabi na nahantong sa sagutan ng dalawang coach na sina Yeng Guiao at Joey Stiebing.
Natapos ang laro sa 6:26 ng fourth quarter kung saan binato si Scottie Thompson ng bola ng isang player mula sa Jordan. Matapos ng insidente ay nakipagsagutan si Guiao kay Stiebing na diumano’y hinamon siya sa laro. “Sinabihan niya ako ng ‘I’m going to take your ass.’ Kaya sinabi ko na ‘C’mon take my ass.’ I was challenging him to take my ass pero hindi niya ginawa. I just don’t want to be bullied in my own country,” wika ni Guiao matapos ang laro sa Spin.ph.
Bago pa ang insidente ay naging pisikal na ang laro, isa na rito ang isang hard foul ni Mohammed Hussein kay Christian Standhardinger.
Kinompronta ni Guiao si Hussein matapos ang insidente.
Inakusahan naman ni Stiebing si Guiao na nagmumura sa kanyang manlalaro sa naturang tune-up game. Inamin naman ni Stiebing na may sinabi rin siya kay Guiao na hindi dapat matapos ang laro ngunit pinabulaanan niya na siya ay nagmura sa laro.
“I’m disappointed from a coaching standpoint when an opposing coach curses your players. I just think it’s unprofessional. I’m a coach. I would never talk to another player. I would never curse at them. In our profession, we need to teach our kids the right way to act. I told the coach something that I shouldn’t have said. But I didn’t curse at him. It was just in the heat of the battle,” saad ni Stiebing.
Kasalukuyang naghahanda ang Gilas Pilipinas at Jordan para sa FIBA Basketball World Cup Asian qualifiers fifth window. Makakaharap ng Gilas ang Kazakhstan sa Nobyembre 30 at Iran sa Dis. 3 sa Mall of Asia Arena. Nakatakda namang magpatuloy ang tune-up games ng Gilas Pilipinas mamayang gabi kontra Lebanon sa Meralco gym.





Comments