Dahil sa gutom at sakit | 85K KABATAAN PATAY SA GIYERA
KAGUTUMAN at sakit ang dahilan ng pagkasawi ng 85,000 kabataan na pawang nasa edad lima pababa.
Ayon sa Save the Children at United Nations, nangyari ito matapos lumala ang giyera sa Yemen tatlong taon na ang nakalipas.
Mayroong 84,701 kabataan ang hindi nabigyan ng lunas sa severe acute malnutrition at kagutuman mula Abril 2015 hanggang Oktubre ngayong taon.
Gayundin, nangangamba ang United Nations na tataas pa umano sa 400,000 kabataan ang daranas ng severe acute malnutrition sa pagtatapos ng taon.





Comments