3 hired killers todas sa checkpoint
- Jeff Tumbado
- Nov 23, 2018
- 1 min read
NAPATAY ng mga awtoridad ang itinuturing na lider at dalawa pang miyembro ng gun-for-hire group sa naganap na engkuwentro sa Taysan, Batangas.
Dead-on-the-spot sa loob ng ginamit na van ang lider ng grupo na si Solomon Panal Lacaba at sina Virgilio Hernandez at Efren Maranan.
Naganap ang engkuwentro alas-9:15 ng umaga sa Bgy. Bilogo, sa inilatag na checkpoint ng Taysan Municipal Police Station, Batangas Provincial Intelligence Branch at Provincial Drug Enforcement Unit.
Nakasakay ang mga suspek sa isang van (RDJ 679) nang mapadaan ang mga ito sa checkpoint.
Gayunman, nang parahin ang kanilang sasakyan, pinaharurot ito ng mga suspek hanggang sa mauwi sa habulan at barilan.
Ayon kay Police Regional Office-4 Director Chief Supt. Edward Carranza, kabilang sa Solomon Panal Group na isinasangkot sa gun-for-hire at robbery incidents sa Batangas, Bulacan, Pampanga at maging sa Metro Manila ang mga nasawi.





Comments