Para sa mga conscious sa kalusugan diyan, read n‘yo ‘to, dali! INODORO NA NAKADE-DETECT NG SAKIT, PA
- BULGAR

- Nov 22, 2018
- 1 min read

KADALASAN tayong nakaupo sa inodoro para umihi o dumumi pero, knows ba ninyo na may naimbento ng toilet bowl na kayang maka-detect kung may sakit tayo sa pamamagitan ng ihi o dumi?
Wow!
Mayroong artificial intelligence o AI ang toilet bowl na kayang sumuri ng dumi at ihi bago ito tuluyang mag-flush.
Ayon sa mga eksperto, ang ihi ang kadalasang ginagamit sa pagkuha ng samples upang ma-diagnosed ang mga sakit na crohn’s disease, ulcerative colitis, diabetes, sexually transmitted infections at stomach infections.
Gumagamit umano ng teknolohiya ang toilet base sa human brain kung saan naka-program ito upang maka-recognize ng pattern para makaalala at magkaroon ng kakayahang matuto.
Maaari ring ma-detect ng toilet bowl kung depressed, buntis, smoker o gumagamit ng droga ang gagamit nito sa pamamagitan ng pag-aanalisa sa kanilang ihi.
Ayon sa mga developer, sa paggamit ng toilet bowl na ito, maaaring maiwasan ang inconvenience sa pagpunta sa mga clinic o laboratory para magsagawa ng simpleng urine tests.
Dagdag pa rito, kung made-detect ng toilet bowl ang isang sakit, maaari itong maagapan dahil puwede mo nang magawa ang mga simpleng test sa iyong bahay, gayundin, maaaring ipadala sa iyong doktor ang resulta ng urine test kung sakaling gusto mong malaman ang opinyon nila.
Bagama’t, kayang ma-detect ng nasabing inodoro ang ilang sakit, payo pa rin ng mga eksperto na kung hindi normal ang iyong nararamdaman, mabuting dumiretso na kayo sa doktor upang makasigurado.
Kaya sa mga beshy natin diyang tinatamad pumunta sa mga clinic para magpa-check-up, ito na ang solusyon ninyo, pero tandaan, be healthy always!
Copy?





Comments