Nanlabang pusher patay
Pabs Hernandez III
Nov 22, 2018
1 min read
QUEZON—Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya, kamakalawa sa Bgy. 5, Lucena City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Roderick Hugo, residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na aarestuhin sana ng pulisya sa buy-bust operation si Hugo, pero bigla nitong pinagbabaril ang mga awtoridad.
Dahil dito, napilitan ang mga awtoridad na gumanti ng putok kaya napatay ang suspek.





Comments