top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Malinaw ayon sa palad... SINGLE MOM NA NAKATAKDANG MAGKAROON NG MASAYANG PAMILYA SA PILING NG LALAKI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 22, 2018
  • 2 min read

Dear Maestro,

Hiwalay na ako sa asawa ko, magdadala­wang taon na. Gusto kong malaman kung mag­kakabalikan pa ba kami? July 16, 1985 ang birthday ko at December 12, 1979 naman ang mister ko.

Sa ngayon ay may nan­liligaw sa akin at sa totoo lang, balak ko na si­yang sagutin.

Kaya lang, gusto ng mis­ter ko na magkabali­kan kami, pero ayaw ko na sa kanya, ga­yundin ang mga anak na­min dahil nana­nakit at nam­bubugbog siya kapag na­­la­lasing.

‘Yung manliligaw ko naman ay biyudo na isi­ni­lang noong March 7, 1976 at botong-boto sa kanya ang mga anak at magu­lang ko dahil ma­bait siya sa akin at sa mga bata.

Tanong ko lang kung kami na ba ang magsa­sa­ma, habambuhay kung sa­kaling hindi na kami mag­kakabalikan ng mister ko?

Gusto ko nang mag­karoon ng tahimik at ma­­sayang pamilya, kaya sana ay ma­tulungan ninyo ako.

Umaasa,

Amie ng Bantog, Asingan, Pangasinan

Dear Amie,

Ayon sa Astro-Nume­ro­logy na pag-aanalisa, higit mong ka-compatible ang ka­salukuyan mong manliligaw na isinilang noong March 7, 1976 na may zodiac sign na Pisces kaysa sa asawa mo na may zodiac sign na Sa­gitta­rius sapagkat suwetung-su­we­to ang pagsasama ng Pis­ces at Cancer na tulad mo.

Nangyari ito dahil ang Cancer at Pisces ay may iisang elementong tina­tag­lay — ang elementong tubig, kaya magkatugma sila.

Kaya kung boto ang iyong mga anak sa kasalu­kuyan mong manliligaw at nagkataong mahal mo na siya at compatible kayo sa Astro-Numerology da­hil ang birth date mong 16 o 7 (ang 16 ay 1+6=7) at nagka­taong 7 din ang birth date ng manliligaw mong biyudo, tamang-tama lang kung pi­piliin mo siyang samahan upang kahit papaano, ‘ika nga, may karapatan kang ma­karanas ng tahimik, ma­ayos at maligayang pag­pa­pa­milya, habambuhay at ayon sa Love Calendar, nakatak­dang mangyari ito sa susu­nod na taong 2019, sa edad mong 34 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page