top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

GONZALES-CHUA, TINUNTUNGAN SA ALL-JAPAN 10-BALL C’SHIPS

Eddie M. Paez, Jr.
Nov 22, 2018
1 min read

PINANGUNAHAN ng nagtatanggol na kam­pe­ong si Johann Gonzales Chua ang tropang Pinoy na umarangkada sa win­ners’ final stage ng World Pool Billiards Association (WPA) rates na 2018 All-Japan 10-Ball Champion­ships sa Archaic Hall ng Amagasaki City, Hyogo, Japan.

Dinaig ni Chua, WPA no. 9, si local ace Kiyotaka Ohashi, 9-6, upang hata­kin ang iba pang mga bil­yarista ng bansa na sina Carlo Bia­do, Warren Ki­am­co, Roland Garcia at Ramil Gallego sa susunod na yugto ng kom­petis­yong may kabuuang prize fund na USD 56,780 (JPY 6,316,000).

Susunod na hahara­pin ng 2017 Pinoy champion ang Hapones na si Dai­gon Shigemori.

Samantala, isang 9-6 na iskor din ang naging tulay ni Biado, WPA no. 3 at 2017 World 9-Ball King sa pag­daig kay Taiwanese Hsu Jui An. Ganito rin ang naging resulta ng tagum­pay ni Ki­amco, isang Ce­bu­anong may bansag na “The War­rior”, kontra kay Kouji Miyatani ng Japan.

Nangibabaw si WPA no. 10 at 2017 World 9-Ball bridesmaid na si Garcia la­ban kay Souichi Yano, 9-6, habang uma­ngat si Gallego kay Tomoo Takano, 9-7 sa kanilang pag­lalakbay upang maku­ha ang champion’s purse na nagkakahalaga ng USD 16,185 (JPY 1,800,000).

Nakahambalang sa da­anan nina Biado, Ki­amco, Garcia at Gallego sa susu­nod nilang laro sina Matthew Edwards (New Zealand), Kousuke Tou­jou (Japan), Katsuji Te­ruya (Japan) at Hayato Hijikata (Japan) ayon sa pagkakasunod-sunod.

Kasalukuyan pang naka­salang (o sasalang pa lang) sa mesa habang sinusulat ang artikulong ito ang iba pang mga Pi­noy cue artists na sina Antonio Lining, Lee Vann Corteza, Jeffrey Ig­nacio at Jeffrey De luna.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page