top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

FEU VS. ATENEO NA SA SEMIS; TAMS, INILAGLAG ANG DLSU

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 22, 2018
1 min read

ISANG 3-pointer ang ipinukol ni Arvin Tolentino na saktong pumasok sa nalalabing 3.1 segundo ng laro upang tanghaling bayani matapos ibigay sa Far Eastern University ang 71-70 panalo kontra De La Salle para makopo ang huling Final Four berth ng UAAP Season 81 Men’s Basketball Tournament kahapon sa Araneta Coliseum. Lamang pa ang Green Archers ng 4 na puntos sa huling minuto ng laro bago ibinaba ni Ken Tuffin ang bentahe sa dalawa,68-70, 39 segundo ang nalala­bi sa oras.

Kasunod nito matapos ang isang krusyal na defensive stop, nakita ni Jasper Parker na libre si Tolen­tino sa gitna, halos isang metro ang layo sa itaas ng 3-point arc at dito kumpi­yansang bumitaw ng tres ang huli na naging daan upang maagaw nila ang kalamangan sampu ng panalo.

Dahil dito, ang Tama­raws ang nagkamit ng karapatang sagupain ang topseed at defending champion Ateneo na may bentaheng twice-to-beat sa Final 4 round na magsisimula sa darating na Linggo.

Tumapos na topscorer para sa Tamaraws si Tolen­tino na may 15 puntos habang tatlo pang teammate niya ang nagtala ng double figure na kinabibi­langan nina Barkley Eboña na may 12 puntos, Ken Tuf­fin na may 11 puntos at Richard Escoto na may 10 puntos.

Bukod sa 12 puntos, kumaldag din si Eboña ng 16 rebounds upang punan ang kawalan ng kontri­bus­yon sa boards ng sen­trong si Prince Orizu na maagang nalagay sa foul trouble kaya hindi naram­daman sa depensa.

Nawalan ng saysay ang game high 20 puntos ni Santy Santillan dahil hindi nito naihatid ang Archers sa Final 4 round sa unang pagkakataon mula noong 2015. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page