top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

'Di raw inlab... SIGAW NI EMPOY: NATE-TURN-OFF AKO KAY ALESSANDRA

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 22, 2018
1 min read

MAGMULA nang kagatin ng publiko ang tambalang Alessandra de Rossi-Empoy Marquez dahil sa peliku­lang Kita Kita, naging interesado ang ilang showbiz fans kung matutuloy nga sa totohanan ang magan­dang samahan ng dalawang stars.

Sa isang interbyu kay Empoy, nata­nong ito kung na-in love siya kay Alex.

Although inamin nito na close sila, sabi niya, “Hindi ako na-in love sa kan­ya. In fact, nate-turn-off nga ako. Gusto ko lang siyang nakikita araw-araw.”

Itinanong sa kanya kung may love advice siya sa kaibigan.

Message nito, “Sana, mahanap mo na ang tunay na magmamahal sa ‘yo. Mag-asawa ka na. Turning point mo na. Sige ka, kapag ‘di ka pa nag-asawa, baka tayo….”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page