top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Ayaw kagatin ng madlang pipol… RELASYONG ARJO-MAINE, PANG-PROMO LANG SA MOVIE

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 22, 2018
1 min read

PINAGTAASAN ng kilay ng ilang netizens ang mga lumulutang na balita tungkol sa diumano’y magandang relasyon na nabubuo ngayon kina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Kahit na madalas na silang naki­kitang magkasama at nagde-date kuno, eh, hindi naman daw ‘yun sapat na basehan para masabi na may “something” na sa dalawa.

Pang-promo at isang malaking drama lang daw ang Maine-Arjo romance dahil magkasama sila sa MMFF movie na Jack Em Poy: Pulis­Credibles. Kailangan na may ingay ang ArMaine o ArDub tandem.

But for sure, magpoprotesta at hindi papayag ang AlDub fans na tuluyang maagaw ni Arjo si Maine kay Alden Richards. At hindi rin sila basta naniniwala na seryoso si Arjo sa Dubsmash Queen, dahil sa pag­kakaalam nila ay may GF ang anak ni Sylvia Sanchez at hindi totoong break na.

Marami nang aktor ang na-link kay Maine dahil wala nga silang inaamin na relasyon ni Alden Richards. Pero, mas makabubuti ang ganito para hindi sila parehong nakatali ni Alden sa kanilang love team.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page