‘MAGPAPAKAMATAY AKO PARA SA TITULO!’ -VERA

SINABI ni Filipino-American ONE Heavyweight champion Brandon Vera na hindi siya makakapayag na matalo at maagaw ang kanyang belt sa harap ng kanyang mga kababayan at nanaisin pa niyang mamatay kaysa matalo.
“I rather die than lose the title,” sabi ni Vera sa press conference sa City of Dreams na narinig ng kanyang ambisyosong Italian challenger si Mauro Cerilli para sa labanang “Conquest of Champions” na idaraos sa Biyernes ng gabi (Nob. 23). “I cannot afford to lose before my countrymen. Pinaghandaan ko ito. Gagawin ko at gagamitin ko ang malawak kong karanasan at mapanatili ko ang championship belt,” sabi ni Vera sa pinaghalong Ingles at Tagalog.
Kilala sa bansag “The Truth” si Vera na kahawig ng veteran Hollywood actor na si Telly Savalas na isinilang sa Norfolk, Virginia, itataya niya ang korona laban sa 27-years old Italian challenger na gagawin sa Mall of Asia arena.
Hindi natakot at natinag si Cerilli sa mga sinabi ng Filipino-American reigning heavyweight champion.
“I’m not afraid. I come to the Philippine for the first time with a mission to beat Vera and bring the belt to Italy. I seriously trained hard because I do not want to get disappointed,” wika ni Cerilli. Si Cerilli ayon sa kanyang interpreter ay maraming beses lumaban sa Europe bago pumunta sa ‘Pinas para labanan si Vera.
Samantala, mapapalaban din si dating sanda wushu artist Eduard Folayang kay Amir Khan at ang tatlong Pinoy na sina Honorio Banario laban kay Dae Sung Park ng Korea.





Comments