top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Stepdaughter ni-rape ng stepfather

Pabs Hernandez III
Nov 21, 2018
1 min read

ILOCOS NORTE—Isang stepfather ang dinakip ng pulisya dahil sa isinagawa nitong panggagahasa sa kanyang stepdaughter, kamakalawa sa Bgy. Caruan, Pasuquin sa lalawigang ito.

Kinilala ang suspek na si Rodel Agbayani, residente ng nasabing barangay.

Ayon sa biktimang itinago sa pangalang “Nancy”, nag-iisa siya sa kanilang bahay nang gahasain siya ng kanyang amain.

Bukod sa kasong rape ay nahaharap din sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 si Agbayani nang makumpiskahan ito ng pulisya ng isang sachet ng shabu.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page