top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Para sa mga palaging nakahilata riyan, read n’yo ‘to, dali! PAGIGING TAMAD, GOOD SA HEALTH!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 21, 2018
2 min read

WALA namang ta­ong hindi tinatamad ka­hit minsan, pero ang ka­ta­marang ito ay hindi kinagigiliwan ng sinu­man. Pero, knows ba ninyo na ang katamaran ay maraming benepis­yong naibibigay sa ating kalusugan?

Weh, ‘di nga?

Ayon sa mga dalubhasa, ang pagiging tamad umano ay sadyang nakaugalian na ng karamihan. Ito ay bunga ng pagod at pagkasawa sa iba’t ibang bagay na ating gina­gawa sa araw-araw.

Gayunman, ang katama­ran ay nakarerelaks ng kata­wan dahil hindi masyadong gumagana ang muscle at utak natin dahil nga sa ti­natamad tayo o hindi tayo nagpapakita ng interes sa mga tao o bagay.

Dagdag pa rito, ayon sa mga eksperto, sa pagiging tamad ay mas nagiging pro­ductive tayo, dahil kapag ti­natamad tayo, ang mga liba­ngan natin ay hindi na rin natin nagagawa.

Samantala, kapag tamad ka, hindi ka masyadong mai-stress sa buhay, kumbaga, hayahay ka lang at walang iniisip o pinoproblema. Ma­inam ito dahil ang stress ay maraming masa­mang epek­tong naibibigay sa ating ka­lusugan na maa­aring maka­apekto sa ating buhay.

Bukod pa rito, ang ka­ta­maran ay nakabu-boost ng self-esteem sa paraang con­fident tayo sa kung ano ang ginagawa natin at hindi tayo nape-pressure sa sinasabi ng iba, gayundin, nakakikinis ito ng balat at nakatataas ng emotional intelligence dahil mas nagkakaroon tayo ng time upang mapangalagaan ang ating sarili lalo na kung madalas ay pa-chill-chill lang tayo.

Pero, ang payo ng mga dalubhasa, kahit na mara­ming naidudulot na maganda ang katamaran, ilagay pa rin natin ito sa lugar dahil may mga pagkaka­taong kailangan na­tin ng ka­sipagan lalo na kung tungkol sa pag-aaral at pag­tatrabaho para sa kinabu­kasan.

Kaya naman, oks lang maging tamad paminsan-minsan, pero huwag mo na­man itong isabuhay hang­gang sa tumanda ka, beshy!

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page