Pag-utang sa China, hinay-hinay lang

KASABAY ng pagbisita ni Chinese President Xi Jinping sa Pilipinas, isang payo mula sa eksperto ang ibinigay sa ating gobyerno.
Dapat umanong magdahan-dahan sa mga pinapasok nitong loan agreements sa China.
Sinasabing marami nang bansa ang pinautang ng China at hindi na nakapagbayad.
Pinaalalahanan din ang pamahalaan na gamitin ang isip at huwag basta-basta uutang sa Beijing na hindi alam kung kailan mababayaran.
Siniguro naman ng Department of Budget and Management na naging maingat ang Pilipinas sa pagpili ng mga proyektong popondohan sa ilalim ng $9-bilyong ipinangako ng Beijing.
Samantala, kinalampag ng ilang mga miyembro ng militanteng grupo ang Chinese Consulate sa Makati City.
Ilan sa mga isyung dala ng mga ralista ang mga kasunduan na dapat umanong isapubliko sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at China.
Nanindigan din ang mga ito na huwag ibibigay sa China ang West Philippine Sea.
Usapin man sa pera o sa teritoryo, karapatan ng bawat Pilipino na malaman ang mga kasunduang pinapasok ng gobyerno.





Comments