Killer napigilan | PALABOY, BINANSAGANG “TROLLEY HERO”
ISANG homeless man ang tinawag na “trolley hero” matapos itong gumamit ng shopping trolley upang pigilan ang suspek sa pag-atake sa mga pulis sa Bourke Street, Melbourne, Austraila.
Kinilala ang trolley hero na si Michael Rogers, 46.
Batay sa imbestigasyon, unang nagsunog ng kotse ang suspek at nanloob sa café.
Matapos mapatay ng suspek ang may-ari ng café ay may dalawa pang nadamay sa pananaksak.
Sasaksakin na umano nito ang dalawang pulis na rumesponde ngunit, itinulak ni Rogers ang isang shopping trolley dahilan upang maharang ito ng mga pulis at tuluyang napatay.





Comments