BUHAWI NG TORNADOES LUMAKAS VS. ASSET


BUMAGAL pa ang Foton Tornadoes sa second set, pero naka-recover hanggang sa humantong sa 25-23, 26-28, 25-21, 25-19 victory laban sa Cocolife Asset Managers sa Philippine Superliga All-Filipino Conference kahapon sa FilOil Flying V Centre.
Ipinakita ni veteran Mina Aganon ang lakas nang bitbitin ang Tornadoes tungo sa winning track sa prestihiyosong women’s club tourney.
Rumehistro si Aganon ng 18 kills, 22 digs at walong excellent receptions nang isolido ng Foton ang paghawak sa solo second spot sa bisa ng 5-1 win-loss card.
Nanatili ang Petron Blaze Spikers sa tuktok ng standings sa 5-0 slate na kaya pang palawigin ang gap depende sa resulta ng match ng naghahabol na Sta. Lucia habang isinusulat ito kahapon.
Sinabi ni Foton coach Aaron Valdez na ang pagkatalo sa F2 Logistics ang nagpalakas sa kanila para magsikap at ibalik ang tikas sa laro. “I think our loss to F2 Logistics made us better as a team,” ani Velez na umasa sa tulong ni Rommel Abella noong off-season. “Despite the loss, the team still radiated positive energy and I did not look at it (loss) as a setback.”
Idinagdag niya na wake-up call ito na nagbigay sa kanila ng tsansa na makita ang kanilang kahinaan, lalo na ngayong wala sina Jaja Santiago at kapatid na si Dindin Manabat dahil naglalaro ang mga ito sa V. Premier League sa Japan. (MC / VA)





Comments