top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

4,000 nagsilikas | BULKAN SA GUATEMALA NAG-AALBUROTO

Jersey Sanchez
Nov 21, 2018
1 min read

KASALUKUYANG nag-aalburoto ang Fuego Volcano sa Guatemala dahilan upang ilikas ang 4,000 katao na naninirahan malapit sa naturang bulkan.

Nagsimula umanong magbuga ng mainit na abo, volcanic gas at lava ang bulkan noong Lunes ng madaling-araw (local time), ayon sa disaster agency ng bansa.

Ani Juan Pablo Oliva, pinuno ng Seismological, Volcanic and Meteorological Institute ng Insivumeh, mas mainit na abo at lava ang ibubuga ng Fuego sa mga susunod na araw.

Samantala, wala pang naiuulat na nasaktan sa pag-aalburoto ng bulkan.

Matatandaang, 190 katao ang nasawi dahil sa pagsabog ng Fuego noong Hunyo.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page