Wanted na killer nasakote
- Pabs Hernandez III
- Nov 20, 2018
- 1 min read
AURORA—Isang wanted na killer ang nadakip ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Dinalungan sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Marlon Magsilang, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, inaresto ng mga awtoridad si Magsilang sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa lalawigan.
Hindi nanlaban si Magsilang nang arestuhin siya ng pulisya sa nasabing lugar.





Comments