top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pag-IBIG Fund, umabot na sa P37 bilyon para sa 3rd quarter ng taon!

Thea Janica Teh
Nov 20, 2018
1 min read

HELLO, Bulgarians! Sa 3rd quarter ng 2018, naglabas ng halos P37.43 bilyon ang Pag-IBIG Fund para sa short-term loans (STL) at halos 1,824,012 miyembro ang nakinabang at nakahiram. Ito ay mas mataas ng 7% kumpara noong isang taon sa parehong quarter.

Sa ilalim ng Pag-IBIG Fund STL Program na ito, maaaring mamili ang mga miyembro sa Multi-Purpose Loan (MPL) o Calamity Loan. Malaki ang naitutulong nito sa mga miyembro, lalo na ang mga naapektuhan ng kalamidad. Ang interest rate ng Calamity Loan ang pinakamababa na nasa 5.95% lamang per annum. Mula July hanggang September 2018, umabot sa P1.03 ang disbursement nito at 80,698 pamilya ang nakinabang dito. Samantala, P12.18 bilyon naman ang na-disbursed sa MPL at 597,238 miyembro ang nakinabang.

Kaya para sa mas pinadaling pagkuha ng application forms ay naglagay ng service desks ang Pag-IBIG Fund sa ilang municipality at malls mula sa kanilang File Anywhere Campaign. At para sa iba pang katanungan, maaaring tumawag sa 724-4244 o bisitahin ang kanilang website sa http://www.pagibigfund.gov.ph.

♥♥♥

Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page