Notoryus pusher tepok
Pabs Hernandez III
Nov 20, 2018
1 min read
NUEVA ECIJA—Isang notoryus na drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. San Mariano, San Antonio sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Ever Pablo, residente ng Bgy. Vijandre, Cabanatuan City.
Nabatid na darakpin sana sa drug-bust operation si Pablo, pero bigla nitong pinagbabaril ang mga awtoridad.
Agad gumanti ng putok ang ng pulisya kaya napatay ang suspek.





Comments