top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Landsline sa vietnam, 12 patay

Joy Repol Asis
Nov 20, 2018
1 min read

LABINDALAWA katao ang naiulat na nasawi dahil sa flashfloods at landslides sa central Vietnam.

Nalubog sa baha at nasira ang ilang kabahayan matapos bumuhos ang malakas na ulan sa Khanh Hoa Province sa pananalasa ng tropical depression Toraji.

Ayon sa opisyal ng provincial disaster office, patuloy pa ring nagsasagawa ng search operations ang awtoridad upang tuluyan nang mahanap ang mga nawawalang residente.

Pansamantalang ipinahinto ang railway operations kasabay ng pagsara sa pangunahing highway na nagdurugtong sa hilaga at timog Vietnam.

Daan-daang sundalo na rin ang kasalukuyang tumutulong sa mga residente na nasalanta ng masungit na panahon.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page