HOROSCOPE | NOBYEMBRE 20, 2018 (Martes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG NOBYEMBRE 20, 2018 (Martes): Ginagarantiyahan ng araw na ito ang iyong pagsilang na hindi ka mauubusan ng magagandang kapalaran dahil hinahangaan ka ng langit sa iyong kabaitan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pupunan ng langit ang mga pagkukulang mo. Ang mga kahinaan at kapintasan mo ay babalewalain dahil nakita Niyang gusto mong gumanda ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-14-29-33-39.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sukatin mo ang iyong makahaharap dahil may ilang tao na sa porma lang may sinasabi, pero hindi naman maaasahan at puro lang salita. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-17-21-25-32.
GEMINI (May 21-June 20) - Habang dumarami ang naiinggit sa iyo, mas lalong darami ang hahanga sa iyo. Magiging dahilan ito ng lalo pang panggigigil ng mga kakumpitensiya mo. Mag-ingat ka! Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-17-20-25-39-44.
CANCER (June 21- July 22) - Kunin mo ang wala sa iyo at huwag mo nang pansinin ang mayroon ka na. Ito ang sikreto upang ang buhay mo ay lumigaya lalo na sa larangan ng pakikipagrelasyon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-24-25-31-33-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hawakan mo nang mahigpit ang nasa iyo na. Huwag mong hayaang mapunta ito sa iba. Ingatan, pahalagahan at alagaan mo ang mga ito. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-14-18-27-35-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Baguhin mo ang iyong mga plano at itugma mo ito sa kasalukuyang nagaganap. Hindi masama ang pabagu-bago, ang hindi maganda ay kung matigas ang iyong ulo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-18-28-30-38-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magpapalit ngayon ang panahon. Ito ay nagsasabing ikaw na nasa ilalim ay mapupunta sa itaas. Panatilihin mong nakasayad ang iyong mga paa sa lupa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-12-25-34-39-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang mag-alala. Ang nadarama mo ay dahil lang sa hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Ibinabalita sa iyo na darating na ang mga araw na bubuwenasin ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-21-27-33-36-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bigyan mo ng oras ang mga malalapit sa buhay mo. Hindi kailangang maghapon o buong araw, kahit ilang sandali ay okay na, ang mahalaga ay napasaya mo sila. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-13-20-29-31-37-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dagdagan mo pa ang kilos mo nang sa gayun ay mas marami kang makuha sa mga suwerteng nasa paligid mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown.Tips sa lotto-9-10-15-16-24-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka dapat magpaapekto sa ibang tao. Magsaya ka kahit sila ay may mga problema. Mas maganda ito kaysa madamay ka pa sa problema nila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-19-21-28-39-46.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Humingi ka ng payo sa pinagkakatiwalaan mo at huwag na huwag kang hihingi ng payo sa kung sinu-sino lang dahil maaari mo itong ikapahamak. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-18-23-28-34-37.




Comments