top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

DE LIANO, ISINALTA ANG UP SA FINAL 4, PLAYER OF THE WEEK

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 20, 2018
1 min read

HAWAK ang kartadang 3-5, panalo-talo sa kalagitnaan ng UAAP Season 81 men’s basketball tournament, sumandal ang University of the Philippines Fighting Maroons sa mahusay nilang playmaker na si Juan Gomez de Liano upang pamunuan ang kanilang opensa.

Kasunod nito ay nagposte sila ng limang panalo sa sumunod na anim nilang laro na nagresulta ng pagsalta nila sa Final Four sa unang pagkakataon pagkaraan ng 21 taon. Ang sophomore guard na nagdiwang ng kanyang ika-19- na kaarawan ay nagtala ng mga crucial plays sa mga nagdaang mga laro ng Maroons, pinakahuli ang laban nila noong nakalipas na Miyerkules kontra La Salle kung saan pinag-agawan nila ang third-spot.

Nagsalansan ang Season 80 Rookie of the Year ng 27 puntos, 4 na assists, at 3 rebounds upang ihatid ang UP sa semifinals.

Bunga ng ipinakita niyang effort, siya ang napiling Chooks-to-Go Collegiate Sports Press Corps UAAP Player of the Week.

Ayon kay De Liaño, lahat ng ginagawa niya ay pagtupad lamang sa kanyang ipina­ngako. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page