Bebot na 30 years old na pero dehins pa rin pinapayagang mag-boyfriend
- ROMA AMOR
- Nov 20, 2018
- 1 min read

Dear Roma, Ako si Mary Grace, 30 years old. Sa ngayon ay wala pa akong asawa dahil pakiramdam ko sa oras na mag-asawa ako ay magtatampo sa akin ang mga magulang ko. Walo kaming magkakapatid at ako ang panganay, kaya rin siguro ayaw pa akong pag-asawahin ng mga magulang ko dahil natatakot sila na mapabayaan ko ang mga kapatid ko. Kaya lang, naisip ko, paano naman ako pagtanda ko, sino ang mag-aalaga sa akin? Sa totoo lang, hindi ko na alam ang gagawin ko, sana ay matulungan ninyo ako. Maraming salamat! — Mary Grace
Mary Grace, Minsan, dumarating talaga tayo sa punto ng buhay kung saan gusto na nating mag-settle down at sa edad mong 30, sa tingin namin ay handa ka na. Kaya kahit ayaw pa ng mga magulang mo na mag-asawa ka, ipaintindi mo sa kanila na kailangan mo ito para sa iyong kinabukasan. Basta ipangako mo rin na hindi mo pababayaan ang mga kapatid mo na nag-aaral pa. Alam mo, iha, basta mapag-usapan ninyo ang problema, tiyak na maiintindihan ka rin nila. Kaya mo ‘yan! Aja, fight!





Comments