ASSET MANAGERS AT LADY REALTORS UMAASA SA PANALO SA SUPERLIGA
- BULGAR

- Nov 20, 2018
- 2 min read

HANGAD ng naghahabol na Cocolife Asset Managers at Sta. Lucia ang elusibong unang panalo sa sandaling sumagupa na sila sa Philippine Superliga All-Filipino Conference ngayon sa Caloocan Sports Complex. Magsisimula ang aksiyon ng 6 p.m. kung saan ang Asset Managers at Lady Realtors ay atat nang makasingit sa win column sa prestihiyosong women’s club tourney.
Samantala, pakay ng Petron ang patuloy na mainit na laro sa pakikipagsagupa sa Cignal HD Spikers ng 4 p.m. habang ang Generika-Ayala ay susukatin ang Smart Giga Hitters ng 2 p.m. opener ng liga na isinasaere ng ESPN5.
Matatag sa top standings ang Petron nang sumagitsit sa 4-0 start habang ang erstwhile leader Foton ay bumaba sa second spot kasunod ng straight-loss sa F2 Logistics noong Huwebes 15-25, 13-25, 13-25. Pero ang lahat ay nakaabang sa main game. Makaraan ang sobrang bagal na simula, ginintuan na ang oportunidad ng Asset Managers na makaunang panalo sana kontra Giga Hitters sa isang deciding fifth set sa nakaraang laro noong Huwebes. Pero mailap ang suwerte.
Mainit ang mga kamay ni Gretchel Soltones dahil sa taglay na karanasan ng pagiging beterana upang dominahin ang krusyal na minuto ng fifth set, para sa masaklap na pagkatalo ng Asset Managers, 25-16, 18-25, 25-20, 23-25, 15-11.
Si Filipino-American recruit Kalei Mau ang tanging bright spot nang may naisubing 25 points, 15 digs at 27 excellent receptions para sa Assets, na nanatiling walang panalo sa apat na simula. “We are such a young team and we are very patient with our development,” saad ni Cocolife coach Moro Branislav, na may hawak ng team na binubuo ng college players na unang salang pa lang sa liga. “But winning a game or two will be very good as far as their morale and confidence are concerned.”
Pero ang unang panalo ay hindi naging madali sa Sta. Lucia dahil marami sa kanila ang injured, para sa kanila ay momentum lang ang pinatatag para sa habol na panalo.
Bagamat ang nagdaang laro kontra Generika-Ayala ay nagresulta sa three-set disaster, hindi nawawalan ng pag-asa si head coach George Pascua, alam niyang ginagawa nila ang pinakamahusay na laro upang di mawala sa kontensiyon. “We will try our best to win again on Saturday,” ani Pascua, na nasa ilalim pa rin ng standings ang team, 0-5. “Our morale remains high. We know that we are fighting without our top scorer (MJ Philips) so we will do everything to win.” Si Philips ay wala pa sa laro dahil sa shoulder injury, umaasa si Pascua kina dating Ateneo ace Jhoanna Maraguinot, Rebecca Rivera, Micmic Laborte at skipper Pamela Lastimosa. (MC)





Comments