80 ralista pinagdadampot
INARESTO ng British Police ang 80 katao matapos magsagawa ng environmental protest ang mga ito sa London.
Pinangunahan ng grupong Extinction Rebellion ang protesta na binansagang “Rebellion Day”.
Lumalalang climate change na hindi kayang tugunan ng gobyerno ang dahilan ng nasabing protesta.
Ayon sa grupo, kailangan umaksiyon ang British government sa pag-alis sa greenhouse emissions sa 2025.
Tinatayang, halos anim na libong indibidwal ang kasali sa protesta dahilan upang magsara ang limang London bridges na Westminster, Lambeth, Waterloo, Blackfairs at Southwark.
Ayon kay London Mayor Sadiq Khan, inirerespeto nila ang karapatan ng mga tao na magprotesta ngunit, sana ay sumunod ang mga ito sa batas.
Inaresto ang mga nagpoprotesta dahil umano sa pagiging sagabal ng mga ito sa daan.





Comments