top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

‘Di na raw nandidiri sa kanila… HIRIT NI VICE: MGA PINOY, TUMATALINO NA DAHIL TANGGAP NA KAMI NI CAL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 20, 2018
  • 3 min read

KUMBAGA sa perfume, umaalingasaw sa bango ang sinasabing ‘special closeness’ ni Vice Ganda at ng PBA star na si Calvin Abueva which both never denied nor confirmed.

Sa katunayan, walang pakialam ang It’s Showtime host kahit na madalas siyang makita ng madlang pipol na nanonood ng laban ni Calvin at sinasadya nitong makapag-cheer sa koponang Phoenix Fuel Masters.

Sa isa niyang mediacon nitong nakaraang araw, inusisa si Vice kung bakit hindi nila itinatago ni Calvin ang kanilang pagkakaibigan sa publiko, kumpara sa ibang mga lalaking nali-link sa kanya gaya ni Terrence Romeo, at sa isa pa umanong varsity basketball player ng UST?

Katwiran ng It’s Showtime host, “Masayang-masaya ako ngayon, kaming dalawa.

“Kasama siya, masaya kami, at natutuwa ako na may mga taong natutuwa din for me, especially for me.”

Aniya, “‘Yung support online, may mga nababasa ako, ang ganda ng mga sinasabi nila.

“Na sabi ko, it’s due time na ‘yung mga tao naman, eh, hindi na ganu’n kababaw at hindi na ganu’n kababoy ang tingin.

“Hindi... kasi, ‘di ba, may taong akala mo naman, diring-diri, baboy.

“Ano ba ‘yun? Ano bang madumi, ano bang mali, ‘di ba?

“Tumatalino na rin kahit papa’no ‘yung mga tao, maganda na ‘yung feedback, nakakatuwa.

“Ibig sabihin nu’n, gumaganda lalo ang estado ng puso ng maraming tao, kasi nagiging ano sila, eh, mas welcoming, nagiging understanding.

“Ini-embrace na nila ‘yung mga ganu’ng konteksto at uri ng pakikipagkaibigan.”

Ayon pa sa comedian/host/entrepreneur, ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong klaseng saya sa pakikipag­kaibigan sa isang tunay na lalaki na hindi siya ikinakahiya.

Saad ng box office star, “Ngayon lang naman ako nagkaroon ng lalaking kaibigan [na] proud sa akin na ganyan.

“Kasi dati, siyempre, gusto ko rin namang ano... Ako, proud naman ako sa lahat ng mga naging kaibigan ko, pero siyempre, pinrotektahan ko rin naman sila.

“Kung hindi sila komportable sa ganu’n, eh, ‘di ibibigay ko. Ayoko naman silang ma-pressure, eh. Kung hindi ganu’n ang pananaw nila, I cannot impose, eh.

“Si Calvin kasi, ano siya, wala siyang pakialam. Open siya, eh. Alangan namang ako pa ‘yung umarte, ako pa ‘yung magtago? Baka batukan niya ako, ‘Ano, ikinahihiya mo ako?’

“‘Di ba? Eh, proud siya sa akin na kaibigan niya ako, eh, di mas proud ako na kaibigan ko siya.”

Para sa kaalaman ng lahat, si Calvin ay hiwalay na sa kan­yang asawa at meron silang apat na anak.

Masasabi ba ni Vice na “exclusively dating” sila ni Calvin?

Paglilinaw niya, “Eh, hindi kami exclusively dating, hindi kami ganu’n.

“Masaya kami, oo. Basta masaya kami kung ano’ng meron ngayon, masaya lang kami.”

Matagal nang magkakilala ang Unkabogable Star at ang basketbolista, pero ngayon lang daw sila nagiging close.

Ayon pa sa Gandang Gabi Vice host, “Malambing siyang kaibigan, mahawak, maharot, malambing, matsika. We’re friends. We’re very, very good friends.

“Sabi niya nga ru’n sa interview niya, sweet friends daw.”

May inaasahan ba siyang “benefits” sa pagkakaibigang ito?

Pabirong sabi niya, “Ako, nag-aantay ng benefits? Oo naman!”

Pero dugtong ni Vice, “‘Yung malaking benefit ‘yung nakukuha ko sa kanya, ‘yung smile, ‘yung saya ng puso ko, napakalaking benefit nito.

“Iba ‘yung gumigising ka at matutulog ka every day na masaya ‘yung puso mo.”

Meron ba silang term of endearment?

Natatawang sabi ni Vice, “Wala, Calvin, Calvin lang..

“‘Bakla’ nga tawag nu’n sa akin minsan, eh,” masaya niyang pahayag tungkol sa kanyang ‘sweet friend’.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page